Pasasalamat sa Nakamit na Tagumpay Ni Congressman Teodorico "Nonong" Haresco Jr.

Nitong nag daang Hunyo 18, 2019, nagdiwang at nagpasalamat sa kanyang tagumpay ang ating Kongresistang si Congressman Teodorico "Nonong" Haresco Jr. 
Lubos ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga taga suporta, at sa mga taga Media at mga naniniwala sa kanyang mga plataporma at kakayanang muling ipatupad ang kanyang mithiin sa bayan ng Aklan. Kaya naman sya ay pinalad na muling maluklok bilang isang Kongresista sa Ikalawang distrito ng Aklan. Narito ang mga sumusunod na programang ipagpapatuloy na isusulong ni Congressman Teodorico "Nonong" Haresco Jr. sa kanyang panunungkulan. Imprastraktura - na maaring maging maayos at mas maganda pa ang lugar ng Aklan. Kalusugan - para sa mga tao, at pag kakaroon ng Medical Mission upang maalagaan ang kanilang kalusugan. Edukasyon - para sa mga batang nais makapagtapos sa kanilang pag-aaral at meron din namang Scholarship Program para makatulong sa mga batang nais maipamalas ang kanilang galing at talento sa pag-aaral. Pursigido din ang ating butihing Congressman Teodorico " Nonong" Haresco Jr. na isulong ang PANGKABUHAYAN PROGRAM, upang ang mga nais mag negosyo at magkaroon ng sapat na puhunan upang makapag panimula ng maliit na negosyo sa bayang ng Aklan. Para sa kaalaman ng marami, ang ating butihing Congressman ay laki sa Aklan, at sya din ay nakapag tapos sa Dela Salle University, Siya din ay nakatapos ng kanyang Masteral Degree sa kursong M.A in International Economics sa Mc Gill University sa bansang Canada. Bilang isang mamayan ng Aklan, nais ding ipagpatuloy pa ni Congressman ang kanyang pangarap na maging maayos at maganda ang bayan ng Aklan. at maipakita pa sa ibang mga banyaga o turista ang kagandahan ng Boracay at iba pang lugar sa Aklan.

#PanaloTayoKayHaresco
#LarawanAtKape

Comments

  1. Coin Casino is a Licensed Online Casino
    Coin Casino 1xbet korean is a Licensed หาเงินออนไลน์ Online Casino in the UK and Malta With an 인카지노 Exclusive Bonuses. Get Exclusive Casino Bonuses & Play Free Slots at CoinCasino.com.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Congressman Teodorico "Nonong" Haresco Jr.